Tothapi Lyrics Lyrics – Lyrics Celeste Lyrics

(Verse 1)

‘Di kita matitiis
Kahit na ako ay mainis sayo
Ako’y manunuyo parin
Sa mga araw na ika’y matampuhin

(Chorus)

Dahil ikaw ang aking tahanan
Ikaw parin ang aking uuwian

(Verse 2)

Pilit man itulak palayo
Hihilahin ng tadhana pabalik sayo’t
Dahil sa minsan mong pag-ngiti
Alam kong ako’y mananatili

(Chorus)

Dahil ikaw ang aking kanlungan
Ako naman ang iyong sandalan

(Bridge)

Umabot man sa puntong
Kailangan mo ‘kong iwan
Ay bibitaw narin labag man sa ‘king
Kalooban dahil ika’y aking
Mahal

(Outro)

At kung may susunod mang buhay para satin
Hihilingin makilala muli
Ikaw parin ang aking
Uuwian